Hello world!
Ayan.. sana’y maubos ko laman ng utak ko dito – ma-share ko lahat ng laman nito hinggil s iba’t ibang paksa na aking napupuna, nalalaman, at natututunan… o kung anumang sumasagi s aking isipan…
Hello world! – unang nabasa ko ang ganitong phrase nun gumawa kami ng program sa Pascal, well yun kasi instructions nun book. That time, napaisip ako. Parang napakalalim ng ibig sabihin, may damdaming binabati ang mundo!… Nun time na yun akala ko ganun nga kalalim – sa kalalimang taglay nito – ang nais nyang ipahiwatig, subalit natapos nmin ang munting program na iyon nang ganun lang, isang HELLO WORLD! n text sa screen ng monitor namin…
Sa aking palagay, madaling nagagamit ang mga salitang may malalalalim na mensahe sa mga pagkakataong hindi naman sya nabibigyan ng kaukulang pagpapahalaga at unawa. Ang original essence ng mga salitang ito’y naglalaho dahil sa ating pagbabaliwala dito.
HELLO WORLD! – animo katagang naghahayag ng bagong panimula na punong-puno ng pag-asa, kahandaan at pagtanggap sa kasalukuyang kalagayan ng paligid. Parang sinasaad nya ang bukas palad na paglilingkod, at ubos lakas na pakikiisa sa mga ksalukuyang kaganapang konstraktibo at pangkalaguan.
Tama nga, HELLO WORLD!…