Maria Clara: Huwad na Simbolo ng Filipina / ng tunay na Filipina
Maria Clara: Huwad na Simbolo ng Filipina
<<< Pamagat pa lng mkatawag pansin n tol, hehehe sabi ko n nga ba.. mdami p rin mga natalsikan ng dunong at katwiran gaya ni tinaguriang pambansang bayani… at tingin ko halos magkasukat.. hehehee…. kagaya mong malikot ang utak sa mga konteksto ng bawat letra… dapat naituturo rin s ating lipunan ang ganyang hamon… kung bakit marami ang hindi ntitikman ang tunay na lasa’y di nila batid ang kina-ugatan nito…
Di nga sya dapat maging batayang sukatan ng pagka-filipina, kumbaga s timbang- kulang, o mas malala pa, reject…//…. di nga kc sya purong Filipina… bagaman di nya ginusto, di dapat excuses un para ikonsider sya… malamang wala lang ibang mkita ang ating mga naunang pamunuan o mababaw lng tlga ang knilang pang-unawa o tlagang lubusan n nilang kinilala na ang Filipina’y mula sa sali’t saling lahi ng mga dayuhan…
SA NGAYON, di ko alam kung mbabago p ang mga bagong hulmang filipina mula s larawang Maria Clara… nkikita ntin ang kahumalingan (asal dayuhan) na pilit ibinabandera ng ating mga kababaihan s ngaun…. masisisi nga ba ntin sila kung sakaling ngkaganun nga… siguro solusyon p rin ang higit na nararapat nting tunguhin keysa ang mga pagkakamaling mhirap ng ulitin…
( mula sa http://pinilipino.wordpress.com/2008/07/08/maria-clara-huwad-na-simbolo-ng-filipina/)
Hindi ko alam kung kaya kong patindigan ang pamagat ng blog na ito dahil sa tindi ng kultural na bagwis na mayroon ito. Ngunit isa lang ang aking pinanghahawakan, ang mga bagay-bagay na aking natuklasan at ang pamamaraan ng mga institusyon at sariling pananaw ko upang isaayos ang mga diwa at bumuo ng sariling opinyon. Bukas ako sa inyong mga saloobin at mga hinagpis na komento, pasalamat pa ako kung may magbibigay ng pansin dahil mababatid ko na marami pa ring may puso sa ‘ting bayan.
Isa, pagpansin lamang. Si Maria Clara ay anak sa pagkakasala ni Padre Damasa at ng Ina ni Maria Clara. Sa isang bahagi ng nobela kabanata 36, sinabi ni Kapitan Tiyago kay Maria Clara na “Huwag kang umiyak, anak ko,” ang dugtong na ito ang hinarap, “hindi ka kagaya ng ina mo na kailanman ay hindi umiiyak… hindi umiiyak kundi noong naglilihi…” sabi-sabi sa mga nabasa ko, sino ba namang ina na halos buong buhay ay nagnanais na magka-anak ang luluha kung kailan nagdadalang tao na? Ito raw ay sa kadahilanang bunga ng pagkakasala ang kanyang ipinagbubuntis.
Ngayon, di ko naman sinasabi na dahil lamang di tunay na Filipina si Maria Clara ay mawawalan na siya ng karapatan bilang maging isa. Binibigyan ko lamang ng pansin ang lalim ng pahiwatig ni Gat Jose Rizal sa pagbibigay nya ng karakterisasyon kay Maria Clara at kung paano sa tingin ko ay mapanlinlang ito sa mata ng nakararami.
Maari ngang Pilipinas ang ang maaring ipakahulugan kay Maria Clara, ngunit kung gayonman, pinakikita lamang dito na ang “Pilipinas” na ating kilala ay isang mapanlinlang lamang, bunga ng walang habas na pagpapakasakit ng mga Kastila, bunga ng mga masasamang motibo ngunit nagbalat-kayo bilang isang marahan at makadiyos na kolonya. Ito ang ibabanderang relihiyon ng mga Kastila. Maaring tinignan ni Rizal si Maria Clara bilang paglalarawan ng Pilipinas na tayo ay nalilinlang ng Panlabas na yumi, ganda at linis ng Relihiyon ngunit ito naman ay nagbubunga ng malupit at marahas na Panloob.
Maaring natanaw ni Rizal kung paano natin titignan ang karakter na ito, na tayo ay madaling mabulag sa kagandahan na tila ba natatakpan ang tunay na dumi nito, at tignan nyo ang binunga nito. Isang martir na babae na hindi man lamang ipinaglaban ang pag-ibig hanggang sa napilitan na lamang magmadre ang sumisimbolo ngayon sa Babaeng Pilipino, mayroon bang kahit isang matang pumuna rito? Kung mayroon man, kaunti dahil nabulag ang mata ng mga tao sa halina at kababawan ng kalidad. Tila ba matagal ng nahinuha ni Gat Jose Rizal ang kasalukuyan nating nosyon sa pagtangkilik sa balatkayong kagandahan na inilalatag sa atin ng mga dayuhang bansa.