lab, kurtsip, at meyredz (LMC)~ NABAGONG ANYO
http://www.gmanews.tv/largevideo/publicaffairs/18114/100-Pinoy-Ligawan-Pinoy-Style
nauso noon ang iba’t ibang seminar and workshop regarding s love, courtship and marriage ng mga youth… maraming mga sub-topics pa nga upang mas lalong maibahagi sa kanila ng maliwanag ang bawat detalye ng mga aspetong ito…
subalit, s aking pakiwari.. d nging gnun katagumpay ang kanilang programang ito… tila sa pagsulong ng teknolohiya’y kasabay na sumulong din ang sosyal na uri pamumuhay…
napansin ko ang iba’t ibang pagbabago ng asal ng mga kabataan hingil sa mga aspetong ito- love, courtship at marriage- na bagaman tanggap na nang marami’y, sa kalooban naman nila’y ang nagpapauyos na pagtutol dito…
samahan nyu akong tipunin ang mga “NABAGONG SOSYALISMO NG KABATAAN sa LOVE, COURTSHIP & MARRIAGE”:
1. LOVE – marami na ngayon ang naghahayag ng pagmamahal sa mababaw na kadahilanan, yung tipo nakita lng na maganda o gwapo’y mahal na agad… bagaman iilan lang, mayroon ding kinokolektang pagmamahal – paramihan kumbaga…di na rin mawawala sa listahan ang tinatawag na one-sided love…
2. COURTSHIP – marami na ngayon ang patagong ligawan, sa dilim, sa kalye, o saan man maliban sa bahay ng babae… sa tingin ko, ang lalaking hindi kayang manligaw sa bahay ng babae’y kulang ang paninindigan sa sinasabi nyang pagmamahal- ika nga ng iba: “harangan man ako ng sibat!”…. at minsan, un girl pa ang kunsentidor… tuloy naabuso…
3. MARRIAGE – dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari – mga hindi pa handa’y nasusubo na ang kanin kahit mainit pa… at ang mas malala – na dapat sana’y wag mangyari.. ang isuka ang kanin isinubo.. SAYANG!.. marami nang ganyan sa paligid, iniwang ng-iisa at sinosolo ang responsibilidad [pag-aruga sa anak ng mag-isa],..
—-> matapos arugain ng magulang: 9 buwan s tiyan ng ina, 1-2 yrs n inaruga sa bisig ama… hindi pinadadapuan sa lamok o langaw, tinitimplahan ng gatas kahit hating-gabi, pinapalitan ng diapers/lampin, sinusubuan, idinuduyan, kinakantahan kahit sintunado.. tinuruang maglakad, magsalita, kumain mag-isa… pinapag-aral, ginugulan ng yaman para sa mga pangangailangan-damit, pagkain, kalusugan…
sa isang kisapmata’y:…
- magiging batugan, matigas ang ulo, hindi mautusan/pakisuyuan, laging-angal
- magugumon sa bisyo, barkada, at masasamang gawi
- mumurahin pati magulang, mawawala ang respeto sa mga nkatatanda
- magsasariling desisyon, aakalaing- kontrol nya ang buhay nya, walang paki- sa damdamin ng iba
- di na nakatutulong ay perwisyo pa ang dala sa pamilya, masamang record sa kumunidad,
kahihiyan sa magulang…
—-> narinig ko ang isang nanay na nagsabi.. ” buti pang hindi na kita binuhay, sana pintay na kita noong maliit kapa..” at dugtong pa’y.. ” kung di lang ksalanang pumatay.. naku!”… sabay iyak…// grabe yong mga katagang yun ng isang magulang sa anak – sa pakiwari ko’y pati ako: sinasabihan nya rin ng ganun…