Hawak-kamay ~

Hawak-kamay sa Panginoon

08/02/2008 | 02:43 PM

Sa mga kababayan ko na nakakaranas ng paghihirap, pang-aapi ng employer at kalungkutan huwag kayong mawawalan ng pag-asa sa buhay.

Naranasan ko ang lahat ng uri ng hirap sa buhay. May employer ako noon sa Singapore, ang pakain sa akin ay tira-tirahan nila kanin at ulo ng isda at tinik. Mga kababayan, hindi ako nawalan ng pag asa. Nagpalipat-lipat ako ng employers.

Ang day-off ko once a month. Pero iyong araw na iyon inilaan ko sa Panginoon. I never missed attending the church and be with the people whom I know that will mold my spirituality. Lahat ng hirap inialay ko sa Panginoon nang may pasasalamat.

Nakakilala ako ng mga taong may mabubuting kalooban na tumulong sa akin para makarating dito sa Canada. Doon nagsimula ang kagandahan ng buhay, and that was 24 years ago. Hindi ako bumitiw sa Kanya sa itaas. Nag-aral ako rito through student loans para magastos ko rito and on top of it, para may maipadala sa magulang ko at pamilya.

Nakatapos ako ng kursong kinuha. Doon nag-umpisa ang magandang takbo ng aking buhay. Sa ngayon ibinabalik ko sa ating Panginoong Diyos ang lahat ng graces through helping out others too. Di ba mayroon tayong kasabihan ‘pag may hirap may ginhawa? At nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Always thank the Lord for giving us the trials, sufferings of the past, otherwise, we won’t be able to know Him. Humility, perseverance, faith, hope and prayers and always call Him .

Let us surrender ourselves to him and He will be our rescue. And don’t forget, kapag nasa ibang bansa tayo follow their rules. Sabi nga, when you are in Rome, do what the Romans do.

Mga kababayan, mabuhay ang mga Pilipino! Ang ating bansang sinilangan! At ang mga namumuno sa ating bansa. Peace!!! – GMANews.TV

Angeli7 ng Canada
>>>.http://www.gmanews.tv/story/111076/Hawak-kamay-sa-Panginoon

Mag-iwan ng Tugon