Kristiyano “daw”? ~

Di ba’t sayang ang mga panahong binigay sa atin ng Diyos kung di natin papagamit an gang buhay na hiram lang para sa Kanya, kasama na dito ang ating oras, at lakas nating maging ang ating mga talento, nakikita natin ang ibang tao nagsasaya at ang iba ay naliligaw ng landas kasama na ang mga taong dumadaing sa kahirapan at pang aapi, lahat ng uri ng tao sa mundo, oo tinanggap mo si Hesus bilang iyong Panginoon at tagapagligtas subalit hanngan subalit paano ang iba? Ang mga di nakakaalam nito, hahayaan mo na lamang silang mabuhay sa kasinungalingan at pagkukunwari dahil sa kamangmangan sa Salita ng Diyos, at sila ay mapahamak sa impyerno magpakailanman dahil sa kasalanan at pati na ang mga naligaw sa maling katuruan ng ibang relihiyon,
Dahil wala man lang magsasabi sa kanya/kanila na ikaw sana na ikaw ay mabigyan mo sila ng panahon ang mga malalapit sa iyo sa paligid mo, o kung hindi man ay maari mo silang abutan ng babasahin patungkol sa mabuting balita, o I text mo sila , gamitin ang internet Forum or sharing para akayin sila, maging ang mga nabulag ni satanas.
Ito ay tawag ng Diyos para sa lahat ng mga Kristiano, lahat ng opportunidad at mga bagay na magagamit natin upang abutin sila sasayangin ba natin?
Ano ang dadalhin natin sa langit? Hindi ba’t ung mga kaluluwang naabutan natin para sa Diyos?, kapatid kung binabasa mo ito hindi ito isang aksidente o dahil gusto mo lang magbasa, kundi ito ay isang hamon at pagkamulat kasama na ang pagpapakatotoo bilang isang Kristiano dahil kung mahal mo ang iyong kapwa mo, wag mong hayaang hindi ang hiya at takot ang mangibawbaw sa iyo, kundi ikaw ay tumayo at maging matapang na ipabalita sa iba ang ebanghelyo at dahigin ang masama ng mabuti, ang mga limitasyon ay para sa ikabubuti natin ang mga bagay na wala tayo at katangian na wala tayo, sapagka’t ang mga pagsubok upang tumibay kang at mga problema upang maging matagumpay ka, wag mong sayangin ang oras dahil maaring isa isa minamahal mo ay patungo sa kapahamakan, hindi pa huli ang lahat, dahil ang pagsunod sa Kanya ay nagdadala ng tunay na pagpapala at kapayapaan sa ating mga buhay bilang mga Kristiano.

minsan sa isang chatrum: may isang ngpost ng about s bible.. mga verses… ayun niboot sya s rum../// tsk tsk tsk… minsan ang mga tao n rin ang lumalayo sa ganyang mga bagay… mahirap tanggapin ang napakalalang kalagayan ng ating pananampalataya.. animo kanser n walang sintomas [habang hindi pa malala]… lahat namn ngsasabing kristiyano sila [katoliko, INC, ADD, Protestante, etc..] subalit sino nga ba ang totoo..???.. //….

Mag-iwan ng Tugon