Signos ~
Signos honored as Best Foreign Film in Texas
Isang Pinoy independent movie ang kauna-unahang recipient ng Best Foreign Film sa katatapos na First Annual Lone Star International Film Festival.
Nagtapos ang 1st Lone Star International Film Award last Sunday, November 11, sa Fort Worth, Texas. A five-day event that started last November 7, ang LSIFF ay isang event na nais i-promote ang mga gawa ng emerging international filmmakers.
Pinangaralan ng US-based organization ang Signos (The Sign) bilang Best Foreign Film in the main competition where around thirty movies competed. The other winners include The Elephant King of the USA as Best Narrative Feature, Good Riddance as Best Texas Film, The Fighting Cholitas from Bolivia as Best Documentary Short, Dear Sweet Emma as Best Animation, Darius Goes West from the USA as Best Narrative Short, and Companions to None from Mexico as Best Humanitarian Film.
>>> napanood ko s GMA ang seryeng ito… tlgang inabangan ko upang tingnan kung may basehan o puntos man na masasabi ang salitang “signos” sa mga kaganapang kanilang ilalathala…
bagaman naipakita nila ang kasalukuyang kaganapan ng ating mundo, subalit sa pakiwari ko’y naayon lamang sa mga resulta ng kawalang pagpapahalaga ng tao sa kalikasan.
signos
sign´os Sp n. fatal sign, fatefate
fate n. a power supposed to fix what is to happen: kapalaran, palad, tadhana, destino, suwerte
nais kong bigyan pansin ang kahulugang ito ng “signos”.. tumutukoy pala ito sa nakatakdang mangyayari sa hinaharap…. a power supposed to fix … – dalawang dulo na magkabila ang landas na tatahakin ntin sa isyug ito… paghandaan ang pagdating ng nkatadhana o paghandaang hadlangan ang nkatakda…
saan nga ba dapat na nakatuon ang ating isipan??.. sapagkat malibang mabuklod ang ating isipan sa isang mithiin, saka pa lang magiging epektibo ang ating hakbang na gagawin…
ang bangayan, banggaan ng idyolohiya, at layunin na naghahati sa atin ang siyang sa pakiwari ko’y ang tinutukoy na kapangyarihan(power) na syang magtatakda sa atin upang hindi makaiwas sa tadhanang ito…
ang mga pangyayari sa paligid natin, ang mga kasamaan at kahirapang lantaran sa iba’t ibang dako’y parang malayang inilalahad sa atin upang maging handa na ang ating pang-unawa, puso at kalooban kapag ito’y lubusan nang nagaganap… – nasasanay na ang mga doktor at nars sa amoy ng dugo kaya di na sila nasusuka o anu mang kakaibang reaksyon tuwing may operasyon… ang hindi sanay sa gnu’y tiyak na babaliktad ang sikmura -
… ikaw anu ang iyong pananaw sa isyung ito??..

