Busog sa kagutuman ~

Ilang beses ba ang normal na kain ng isang tao?

Batay ba sa dami ng “food session” o sa “laman sa pinggan” ?….

Pauwi na ako ng mga oras na ‘yon, [5.35pm] medyo madilin ang langit at tila ngbabadya… kaya dali-daling pinasibad ang aking paboritong motor [kasi wala namang iba eh;)].. labas ng compound den kanan, den sa gilid ng EDSA… U-TURN tungong overpass… den under pass naman ng CLOVERLEAF… pumapatak n ang ulan… kaya bigla ko hinirit…

waaaaa….. paglampas ko s tulay syang buhos ng ulan… grrrr!!.. No choice ako, balik s silong ng tulay… weh!.. [medyo nhirapan pa akong i-ikot kc may dumadaang mga cars...]!

npalinga ako sa gilid ng tulay, [grabeh!?!.. bulalas ko]… mga lima hanggang sampung katao nkita ko… kanya-kanya ng ginagawa… madungis, tila wla sa matinong wisyo… at anu un,… rubgy s plastic????….

isang babae [tila dalaga na, mga 24-edad cguro] ang biglang bumalikwas sa pagkakahiga at pagkatapos… tila mas malakas pa s buhos ng ulan ang lumuwak sa kanyang mga bibig… mapula, may mga buo-buong kulay puti, ewan ko kung anu un… kanin siguro [kung may kinakain pa sila]… Paulit-ulit na dahak, at duwal… na sa paki wari ko’y wag ko sanang malanghap ang amoy… Halos di ko matingnan ang babaeng iyon, sa isip ko’y masangsang iyon kapag nalanghap ko… kaalinsabay pa ang tila ilang araw o buwan cguro n hindi naligo un babae…

[tsk..tsk..tsk] wala nga ba talagang kamay ang ating pamahalaan upang abutin sila??… asan ang mga naglalakihang pundo ng gobyerno at tila indi alintana ang ganitong mga eksena sa kalye??.. kailangan ba lagi nka-broadcast sa TV habang ginagawa ang kanilang tungkulin??… nagpapasasa sa mga di-aircon na opisina at animo’y di makabasag pinggan at di madapuan ng langaw… ["mamamatay tayong lahat, at kakainin ng uod"]…

ako ngayo’y nangangarap… darating ang bukas n hindi ko n iaasa pa sa iba ang pwede kong maitulong sa mga kagaya nila… hindi upang magmayabang, bagkus ipahiya at ilantad ang kawalang katarungan ng lipunan [dahil sa mga asal ng pamahalaan ngayon]…
ilan kaya ang katulad nila?… sabi ng isang komentaryong narinig ko, “pampalipas gutom ang rugby…” parang psychological way upang busugin ang kumakalam na sikmura…

Buti pa sila may sariling pamamaraan upang aliwin ang sarili at makalimutan ang gutom…. bakit ‘yung iba – kain ng kain … pero walang kabusugan “SUGAPA na rin ata sila sa kanilang pagkagahaman [mga butete na sa laki ng tiyan]“

…………>

Isang Tugon to “Busog sa kagutuman ~”

  1. Tsong, di lang dyan sa Maynila ang may nangyayaring ganyan. Dito din sa lugar na kinagisnan ko sa Zamboanga City, marami pa ring akong nakikitang mga bata sa lansangan, hawak sa kamay cellophane na may rugby. Ang aming pamahalaan, parang walang paki-alam. Tama ka sa mga napupuna mo, Akala ko, ako lang…..Ano kaya ang mangyayari sa kinabukasan pag ganito palagi ang nakikita mo sa daan. Ang nakakatawa pa, pag may mga bisita “daw” and aming siyudad, biglang ang mga batang ito, di mo makikita sa langsangan. Pinagdadampot at inilalagay sa lugar na di nakikita ng karamihan. Pero pagkatapos na wala ng mga bisita “daw” bigla na namang nagsulputan ang mga batang ito, at balik na naman sa gawi….Hay buhay, naman..ang sarap magpakitang-tao…..bulok! pwe!

Mag-iwan ng Tugon