“PULIS YAN” ~
“pulis yan” – sabi nun katabi ko sa kanto, nka-park kasi kami sa silong ng overpass sa may munoz market nung isang gabi. nkakwentuhan ko un katabi ko.. mya-maya’y may humitong sasakyan. akala ko ntrapik lng kaya indi umuusad, kaya snob ko…. pero bigla akong tinapik ng isang mmda at sinabi.. ialis ko raw motor ko dunĀ kasi mgpapark dun un sasakyan [tamaraw fx yata un]… sa loob-loob ko ako nauna dun, saka umuulan, wala kming choice kundi sumilong sa tulay na iyon…
inobserbahan ko ang sasakyan, hindi tlaga gumagalaw.. wala nmang nkaharang sa unahan, pede nman dun sya mag-park… subalit patuloy kming itinataboy ng mmda… lipat daw kmi ng lugar… sabay dugtong p ng kausap ko… ” pulis yan!”…. “kilala ko yan”,…kaya upang umiwas sa ano mang pwedeng mangyari, umalis n lng kmi dun sa lugar n iyon… buti n lng patila na nag ulan… kaya tuloy tuloy n rin kmi sa pag-uwi…
subali’t hindi maalis sa isip ko ang mga katagang iyon… “Pulis yan”… animo ako’y isang batang tinatakot upang sumunod sa ipinagagawa nila sa akin… ang malala pa ndamay ang pulis. Bakit nga kaya? , tanong ko sa sarili ko, bakit pulis ang ginagamit na pang takot??…
Mahirap ibalik ang magandang pagtingin ng mamamayan sa mga pulis, mula sa kasalukuyan kulturang umiiiral sa bawat isipan- Kurakot, Kotong, Kagaspangan, Ka-astig-an, Kayabangan… at iba pang mga K’s…
Sana dumating ang time na panatag ang aking kalooban kapag katabi ko si “mamang pulis” , sana un tipong .. pedeng makipag-apir. sana…
Sino nga ba ang dapat unang kailangang magbago – ako sa aking pagkakilala sa mga pulis o sila kung panu nila ipinakikilala ang kanilang propesyon???….
“ SERVICE … HONOR … JUSTICE…“
————————–>>>>————————–>>>>>——————-
Setyembre 5, 2008 Sa 4:32 umaga
thanks for posting such an informative news, issues and views, i kept on reading of your blog but i am lazy posting my comments,,,GOD BLESS and don’t get tired of updating your site….tc