Iwasang mabiktima ng Scam’ers Online
“Lahat ng libre’y inaabuso.” Dahil sa kalayaan ng internet world, madali itong mapagsamantalahan ng mga taong mayroong di kanais-nais na layunin, lalo’t higit ang mga bagay na may kinalaman sa panglalamang sa kapwa. Ilan sa kanila ay ang mga tinatawag na scam‘ers.
Heto ang ilang mga puntos na dapat ikunsidera, upang makaiwas na ma-scam:
1. Siguraduhing i-check ang membership status ng seller sa site – ang mga potential scam’ers eh madalas bagong sali lang ang account sa site kung saan sila nagpo-post ng ads.
2. I-check din ang membership buddies – wala ring masyadong buddy o friend ang isang scam’er. Kung meron, pwede n’yo munang itanong sa buddy n’ya (siguraduhin din ang status ng buddy na pagtatanungan) kung ano ang kaugnayan o feedback nya sa seller.
3. Piliin ang meet-ups o COD mode of payments – i-insist ang ganitong transaction kung malapit lang naman. hangga’t maari iwasang makipag-transact sa mga nasa malalayong lugar.
Kung di maiiwasan, ganito ang matalinong steps upang maiwasang maisahan ng seller:
Kunin ang kanyang pagtitiwala sa prinsipyong ” make the first move.” Sila kasi yung may item na bibilhin at kadalasan aantayin pa neto ang delivery schedule sa particular na lugar. Hingin mo muna yung shipment tracking # at i-verify sa shipping branch kung exsisting nga yung code na ibinigay. (Siguraduhing centralized ang record ng shipping company na gagamitin sa pakikipak-transact). At saka gawin rin nya ang code verification sa payment ng buyer.
Bakit kailangang yung seller muna? Kasi pwede pa niyang bawiin yung item na ipapadala if incase magkaroon ng problem sa buyer, let say di maverify yung code ng payment. Unlike yung payment na madali lang i-withdraw…
Pagkatapos mong maipaliwanag at ayaw pumayag sa ganyang set-up, we’ll potential na scam’er yan.
4. Meet-up: I-check kaagad sa harap ng seller ang item – may mga item kasing maganda sa paningin pero may problema pala, at di mo na pwedeng ibalik kung nagkabayaran na lalo pa’t sinandyan itago yung sira. At mahirap nang sabihin hindi ikaw ang nakasira nun.
Note: Maging matalinong mamimili. Maging mapanuri – yan ang karapatang taglay natin habang hawak pa natin ang pambayad. – kuyajhun316