Naligaw ng Landas ~
Its been a long time na di ko nadalaw ang page kong ito. Hanggang ngayo’y hinahagilap ko ang dahilan kung bakit ako naligaw ng landas.
Nalibang ako sa kabilang site, ang sulit.com.ph. Naengganyo ako sa forum page nila kung saan maraming samu’t saring topics na pwede mong ibahagi ang iyong opinyon.
Tila kay dali lang pala maligaw ng landas. Ito ang aking napatunayan, lalo pa’t wala kang kasama na maaaring gagabay sa’yo. Kasama na maaring kusang magpapaalala sa’yo ng mga mahahalagang bagay na maaaring nakakaligtaan mo na. Idagdag pa diyan ang masyadong mapang-akit na pagpukaw sa atensiyong iwinawagayway sa’yo ng mga nasa paligid upang mapalingon ka sa kanila…
SA KABUUAN::
Minsan pala ang kalayaa’y delikado. Maari ka nitong hayaang makarating at mapagkit sa mga bitag ng kasamaan maging sa mga mapanlinlang na ganda at kulay ng kalagayan. Hindi pala lahat ay dapat bigyang laya. Baka naman mismo ang kalayaan ay mapanlinlang din. Inaari nating malaya at magagawa natin ang lahat ng bagay, subalit hindi pala ayun sa ating akala.